Gaano ba kalaki ang pangarap ng Filipinas para sa kinabukasan nito? Hanggang pangarap na lang ba ito? May aasahan ba kaya ang mamamayan?


        Lahat gusto maging maunlad, lahat gusto maabot ang rurok ng tagumpay. Iyan ang gustong abutin ng isang bansang papaunlad palang. Kung ating titingnan ang ibang bansang mauunlad tulad ng USA, ENGLAND, JAPAN, SINGAPORE at iba apa, ito yaong mga bansa na nabibilang sa  Industrialized First World Country. Ang mga bansang ito ay nagpapakita ng sobrang advance sa lahat ng aspekto. Maaaring isa rin ito sa nais at tinutularan ng bansang Filipinas. 
    Ang pagpasok at pagpapabilang ng Filipinas sa ASEAN ay isa sa hakbang na nagpapakita na dahan-dahan na itong inaupgrade ang educational system nito, subalit kahit paman, marami pa ring pagkakaiba kung ikukumpara ang Industrialized First World Country sa Developing Country.
        May mga larawan akong ipapakita na nagpapakita ng kaibahan ng dalawa in terms of Computer, facilities, educational materials, teachers, and introduction of computers. 

Computer 










         Kung ating titingnan, ang computer sa Filipinas ay maaring 1:5, 1:10 o maari pa ngang mas sobra pa nito. Kung 1:1 man ay sa mga Computer Café na mismong ang mga bata ang pumupunta dahil walang sapat na suplay sa paaralan. Makikita na hindi kaya ng bansang Filipinas  na tustusan o hindi kaya na magkaroon ng tig-iisang computer ang bawat estudyante kaya ang nangyayari puro imahinasyon na lamang ng mga bata ang ginagamit upang malaman ang lahat ng pinagsasabi ng guro tungkol sa paggamit ng computer. Makikita na sa ibang bansa tig-iisang computer sila at halos sulok ng kanilang lugar ay abot sa teknolohiya,  kahit saan libre ang wifi,  hindi loading.  Dito sa Filipinas marami pang mga lugar na hindi abot ng teknolohiya. Tulad nalamang ng ipinapakita sa larawan maraming mga bata, kahit ang paghawak o simpleng pagtingin kung ano ang computer hindi nila alam.  Kaya hindi maitatangi na marami pang mga mag-aaral sa Filipinas na sa pagtungtung sa kolehiyo mangmang pa sa mga bagay na ito. Marami  pa ang tila napag-iiwanan ng teknolohiya tulad ng computer lalo na sa larangan ng edukasyon.

Facilities 

 



         Makikita na sa itaas kung anong meron ang First Wold Country.  Makikita na ang kanilang facities ay napakaadvance.  Ang ganitong pasilidad ay may malaking ambag sa ikauunlad ng educational system ng isang bansa.  Sa Filipinas, may mga magandang pasilidad din tayo pero hindi lahat ay meron ito. Piling mga lugar lamang meron ito kaya piling mga estudyante lamang ang may pagkakataong maranasan ito. 
Ayon sa internet, makikita sa educational.stateuniversity.com,
“An effective school facility is responsive to the changing programs of eduactional delivery, and a minimum should provide a physical environment that is comfortable, safe, secure, accessible, well, illuminated, well ventilated, and aesthetically pleasing”.
    Ngayon kung ating titingnan ang mga larawan sa itaas, sa kanang bahagi, ito ay nagpapakita ng kabaliktaran sa ibinigay na pagpapakahulugan sa educational.stateuniversity.com. Kulang na kulang ang mga pasilidad ng ibang paaralan sa bansang Filipinas na maibigay ang karapatdapat na pasilidad ng isang paaralan. Hindi man lahat sa Filipinas ngunit marami, marami ang namamalimos sa ganitong mga pasilidad na siyang ang mga First World Country ay matagal ng nilasap.

Guro

   “Bato bato sa langit, ang matamaan huwag magalit sapagkat ang katotohanan ay sadyang masakit”. Masakit aminin pero pagdating sa pagtuturo masasabing mas advance ang kanilang mga guro kung ikukumpara sa ibang bansa-papaunlad na bansa.  Isa sa factor na mas may edge ang kanilang mga guro sapagkat sila ay nakapag-aral at nakapagtapos sa First World Country. Marami rin namang mga matatalinong guro sa Filipinas pero sa kasamaang palad hindi lahat afford na kumuha ng mas mataas pang degree dahil na rin sa kakapusan. Kaya hindi maitatangi na maraming guro sa Filipinas na hindi upgraded ang kaalaman na meron sila.

Educational materials needed

           Ang mga halimbawang larawan dito ay ang  mga larawan na nasa itaas. Ang ibang larawan doon ay nagpapakita ng iba’t ibang magagandang materiales na siyang napakaganda sa pag-aaral. Tulad ng sa first World Country,  lahat ng mga materiales tulad ng libro, mga computer,  at iba pang mga kakailanganin sa pag-aaral ay meron sila.  Hindi sila nagkukulang. 
            Sa Filipinas naman,  marami ang pagkukulang lalo na sa educational na materiales,  ilang mga halimbawa ay libro,  upuan, klasrum, guro at iba pang mga materiales na kakailanganin.  Ang larawang ito ay isa sa mga katotohanan na nagpapakita kung gaano pa kalaki ang kailangang gawin na pagtutulungan upang matulungan ang iba pang paaralan na matugunan ang pangangailangang ito. Ngayon,  isang taon nalamang ang iniintay at may magtatapos na na produkto ang K-12 na programa subalit hanggang ngayon kulang na kulang pa rin ang mga educational na mga materiales partikular na dito ang mga aklat. 


Technology 



            Makikita na sa murang edad, napakaaga ang exposure sa mga computer sa paaralan ng mga bata sa First World Country. Sa murang edad ay tinuturuan ng gumamit ng mga computer sa paaralan hindi tulad ng sa Filipinas na walang wala.  Ang kanilang mga bata ay sobrang sobra exposure sa mga gadgets. Anvance technology alam na nilang paglaruan at manipulahin. Napakalayo sa mga bata sa Filipinas, kung maaga man silang namulat ito ay yaong maagang makibaka sa kahirapan sa buhay, sa pagbabalat buto at pag-titiis sa anong pwedeng pagtiisan. Imbis na maglaro, lasapin ang pagkabata ay hindi namagawa dulot ng kahirapan at kakulanangan. Napakalaki ng pagkakaiba ng kabataan ng Fisrt World Country sa mga bansang papaunlad palang. Sa kabataan palang makikita na ang kaibahan.
        Lahat ng nasa itaas, masasabi kong nakakarelate ako.  Isa sa mga karanasan ko na natutungkol sa paksa ay noong nasa unang taon ako sa hayskul.  Tandang tanda ko dahil sa lumaki at nakapagtapos ako ng elementarya sa isang barriotic na lugar,  hindi naipapakilala sa amin ang mga teknolohiyang ito. Dahil sa nag-aaral na ako sa siyudad,  nakasalubong ko na ito at may pinagawa sa amin na kailangang gumamit ng computer.  Dahil sa ako ay walang kaalaman nito,  at yong mga kaklase ko ay walang panahon upang turuan ako,  kailangan kung harapin mag-isa ang "computer" upang doon mag-isang gumawa ng takdang-aralin.  Dahil sa wala akong alam, kahit ang copy paste ay hindi ko magawa.  Nagpakapal ako na pumunta sa internet cafe at nagtanong tanong at nagpatulong sa tagabantay na sa awa ng Dios ako’y tinulungan naman. Kahit nga ang Microsoft word hindi ko alam ang tanging sinabi ko nalang sa tagabantay ay ang " bondpapaer na puti". Sobra sobrang wala talaga akong alam.  Ang masayang bahagi ng karanasang ito ay umuwi ako na alam na ang mga bagay na hindi ko alam.  Umuwi ako na natapos ang takdang aralin at sa wakas simula ng lumubog ang araw sa araw na iyon baon ko ang mga basic na kaalaman sa paggamit ng computer.
        Ang paksang ito ay talagang nagdala sa aking diwa na mapagtanto kung gaano dapat tayo mangarap na umunlad ang bansa. Kung maari ay makisabay kung makakaya sa mga bansang mauunlad na. Gawing isang modelo ang Industrialized  First World Country upang ang papaunlad na bansa tulad ng Filipinas ay kahit papaano malaki laki ang ating maabot. Kailangan din ito upang umunlad ang bansa at baka pagdating  ng panahon anong malay natin mapabilang na tayo sa First World Country. 
     Mahalaga ito na kailangan na umunlad ang bansa lalo na sa education dahil ano nalang ang maabot at matatanggap ng mga paparating at sumusunod na henerasyon. Ilang mga katulad ko pan ang matutulad sa akin na grabi na mapag-iwanan ng panahon. Bilang guro sa hinaharap, magahahanap ako ng paraan na kahit papaano ay mabawasan ang mga bata na walang alam sa mga advance technology na lumulutang sa mundo ngayon. Kahit man hindi tig-iisang computer, napakagandang pasilidad, at magagaling na guro pero na niniwala pa rin akong kahit sa 1: whole klass, mga recycle materiales madadala ko sila sa mundong kailan man alam kong hianahangad nila at dapat din nilang maranasan. Gagamitin ko ang ibinigay ng Dios sa akin ng karunungan at kaalaman na madala ang aking mga estudyante sa mundo kung ano mang meron ang First World Country.  Naniniwala akong lahat meron tayo nito, meron tayo nito kung gagawin nating makabuluhan at malikhain ang bawat mundo ng ating estudyante sa paaralan.







Comments